Manila, Philippines – Isasailalim na sa summary dismissal proceeding ng PNP Internal Affairs Service (IAS) ang 16 na pulis na sangkot sa operasyon na ikinamatay ni Kian delos Santos.
Ayon kay PNP-IAS Inspector General, Atty. Alfegar Triambulo – mga kasong administratibo partikular ng grave misconduct, serious irregularity in the performance of duty at serious neglect of duty ang isasampa sa mga pulis.
Nakitaan din ng paglabag sa police operational procedure ang mga pulis.
Kakasuhan din ang station commander na si C/Insp. Amor Cerillo at Caloocan Chief of Police, Sr/Supt. Chito Bersaluna.
Pero ipinagpaliban ang pagsasampa ng kaso kay Bersaluna hangga’t makakuha ng presidential clearance.
Kailangang makapaglabas ng salaysay ang mga pulis kung bakit hindi sila pwedeng kasuhan.
Nakatakdang magkaroon ng pre-hearing conferece ang PNP-IAS para makapaglabas na ng rekomendasyon sa nasabing kaso.