Nababahala ang isang kongresista kaugnay sa pagbaha ng mga COVID-19 testing kits sa bansa.
Sa interview ng RMN Manila kay Anakalusugan Representative Cong. Mike Defensor, nilinaw nito na 16 mula sa 39 na mga inaprubahang testing kit ng Food And Drug Administration (FDA) ang hindi pa aprubado sa mga bansang pinanggalingan nito.
Aniya, posible itong magresulta ng maling diagnosis at maling bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19.
Kaugnay nito, paiimbestigahan ni Defensor ang FDA hinggil sa pinagbatayan ng ahensya sa pag-apruba sa mga nasabing testing kits.
Facebook Comments