Nabuo na ang 16 na mga teams na nag-qualify sa second round sa nagpapatuloy na FIBA Basketball World Cup.
Ang mga uusad sa next round ay ang Team Dominican Republic, Italy, Lithuania, Montenegro, Germany, Australia, Canada, Latvia, Team USA, Spain, Serbia, Georgia, Brazil, Slovenia, Puerto Rico, at Greece.
Ang 16 teams na ito ang tinanghal na mga top two performer sa initial tournament phase na nagmula sa mga Groups A, B, C, D, E, F, G, at H.
Dahil tapos na ang first round, ang 16 na teams ay hahatiin sa Groups I, J, K, at Group L.
Sa pagkakataong ito haharapin nila ang dalawang teams na hindi nakalaban sa first round.
Nangangahulugan ito na 2 games per team at 4 games per group.
Samantala para naman sa Gilas Pilipinas, napakahalaga pa rin ng laban mamayang gabi kontra South Sudan at sa Sabado kontra China.
Liban kasi sa classification stage, nakataya rin ang tiyansa ng Pilipjnas na mag-qualify sa Paris Olympics.