Nakatanggap ng nasa 160 bags ng certified palay seeds ang mga magsasaka ng Dagupan City na mula sa mga piling barangay ng lungsod hatid ng Department of Agriculture, Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice) at ng lokal na pamahalaan ng Dagupan.
Nasa walumpong magsasaka mula sa mga barangay ng Bonuan Boquig na may pitong rice farmers, Brgy. Malued na may labing pitong magsasaka,Brgy. Tebeng na may dalawamput-siyam, at Brgy. Salisay na may dalawampu’t-pitong rice farmers din ang naging benepisyaryo ng nasabing programa.
Layon ng nasabing pamamahagi na maipagpatuloy ang food security agenda ng ahensyang DA at nasyonal gobyerno.
Samantala, alinsunod ito at ang naganap na pamamahagi ng mga bangus fingerlings para sa mga bangus growers ng Dagupan City kahapon lamang bilang bahagi ng Farmers’ and Fisherfolk’s Month celebration ngayong buwan ng Mayo.
Patuloy din ang mga programa at proyekto ng lokal na pamahalaan ng Dagupan na nakalaan para sa pagpapalakas sa hanay ng agrikultura ng lungsod. |ifmnews
Facebook Comments