Abot sa 160 na pamilya ang nawalan ng matitirhan matapos matupok ang nasa 40 na kabahayan sa sunog na sumiklab sa Pangasinan Compound no. 36 Interior General Ave. Brgy. Bahay Toro, Project 8, QC.
Ayon kay Fire Inspector Sherwin Penifiel ng BFP QC , nagsimula ang sunog 9:46 kaninang umaga na umabot sa ikatlong alarma bago idineklarang Fire out bandang 11:08.
Nagsimula ang sunog sa tatlong palapag na bahay na pag aari ng 47 anyos na si Josephine Enfectana na nagtamo ng 2nd degree burn sa kasagsagan ng sunog.
Napabayaang kalang de gaas sa kusia ang dahilan ng sunog.
Tinatayang nasa 200,000 pesos ang halaga ng ari ariang natupok sa nangyaring sunog.
Facebook Comments