1,600 NA BAKAWAN, ITINANIM SA ILANG PALAISDAAN SA ARINGAY, LA UNION

Bilang bahagi ng pagsulong sa proteksyon ng wildlife at paghahanda laban sa mga kalamidad, matagumpay na itinanim ang 1,600 mangrove trees sa ilang palaisdaan sa bayan ng Aringay, La Union.

Ang mangroves ay magsisilbing ecosystem ng mga sea wildlife na madalas mapadpad sa coastal community ng La Union upang mabigyan sila ng pansamantalang habitat hanggang muling makabalik sa karagatan.

Layunin ng proyekto na protektahan ang mga low-lying communities sa bayan na madalas makaranas ng pagbaha tuwing may bagyo.

Ang mga mangrove trees ay kilala bilang epektibong panangga laban sa storm surge at coastal erosion, na nagbibigay ng karagdagang proteksyon sa mga residente.

Bukod sa kaligtasan ng mga tao, magsisilbing mahalagang ecosystem ang mga itinanim na mangrove para sa mga sea wildlife na karaniwang napapadpad sa coastal communities ng La Union. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments