16,000 customers ng Meralco, apektado ng service interruptions matapos ang pananalasa ng Bagyong Nando; Bagyong Opong, pinaghahandaan na rin

Patuloy ngayon ang restoration efforts ng Manila Electric Company (Meralco) sa mga lugar na naapektuhan ang supply ng kuryente dahil sa Bagyong Nando.

Ayon sa Meralco, 16,000 customers ang naapektuhan ng service interruptions at karamihan sa mga ito ay mula sa Cavite at Quezon Province.

Tiniyak ng kumpanya na minamadali na nila ang pagsasaayos sa mga nasirang linya ng kuryente.

Patuloy ding hinihimok ng Meralco ang iba pang customers na nakararanas ng power outages na mag-report sa kanilang hotlines.

Samantala, nananatiling naka-heightened alert ang Meralco at ang kanilang power distributors para sa posibleng epekto ng nagbabantang tropical depression na si Opong.

Facebook Comments