16,000 dagdag na pwersa ng pulis, ide-deploy para sa seguridad ng BARMM elections

Tuloy-tuloy ang paghahanda ng Philippine National Police (PNP) para sa kauna-unahang parliamentary elections ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Oktubre 13.

Ayon kay acting PNP Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr., nakalatag na ang seguridad upang matiyak na magiging ligtas, maayos at patas ang halalan.

Gagamitin aniya ng PNP ang lahat ng kanilang resources para pigilan ang banta mula sa Communist Terrorist Groups, private armed groups, local terrorist groups at mga kriminal na sindikato.

Kasunod nito, tinatayang nasa 16,000 dagdag-puwersa ang ide-deploy sa BARMM bukod pa sa kasalukuyang tropa ng PNP at iba pang law enforcement units kung saan maaari pang madagdagan batay sa rekomendasyon ng Comelec.

Facebook Comments