160,000 foot traffic sa PITX, asahan ngayong araw

Inaasahan na aabot sa 160,000 ang mag-uuwian sa kani-kanilang mga probinsiya ngayong Holy Wednesday.

Ayon kay Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) Corporate Affairs Officer Kolyn Calbasa, mula noong alas-6:00 ng umaga, mayroon nang mahigit 12,000 lang nagpunta sa terminal ngayon.

Matatandaang kahapon ay umabot nga sa 101,849 ang foot count ng mga biyahero na palabas ng Metro Manila.


Samantala, fully booked pa rin ang ilang airconditioned na bus papuntang Bicol, ngunit available naman ang non-airconditioned bus na pwede rin ang walk in.

Patuloy pa rin ang ginagawang inspeksyon ng Land Transportation Office (LTO) upang masiguro ang seguridad ng drivers at mga pasahero.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagdami ng mga pasahero, at inaasahan na magtutuloy-tuloy ito mamaya hanggang bukas.

Facebook Comments