161 Battalion Commanders, tinipon ni PBBM para palakasin ang seguridad ng bansa

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang unang Battalion Commander’s Symposium para sa External Security Operations kasama ang 161 commanders mula sa ISAFP at Philippine Army.

Tampok sa pagpupulong ang pagpapalakas ng koordinasyon, proteksyon sa teritoryo, intelligence operations, at kahandaan ng mga ground unit laban sa mga banta mula sa labas ng bansa.

Binigyang-diin ng Pangulo ang mahalagang papel ng mga battalion commander at hinimok ang mas malapit na pakikipag-ugnayan sa mga komunidad.

Tiniyak din niya ang tuloy-tuloy na modernisasyon ng AFP para mas mapaigting ang surveillance, modernong kagamitan, at mabilis na pagresponde sa anumang sitwasyon.

Target din ng administrasyon na gawing regular ang symposium upang higit pang mapatatag ang polisiya at estratehiya para sa external security.

Facebook Comments