Aabot sa 161 na mga empleyado ng Senado ang nakumbinsi ni Senator Robinhood Padilla na mag-apply para maging reservist ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Kahapon ay sumailalim ang mga ito sa orientation at sa Hunyo ay nakatakdang sumabak ang mga ito sa basic citizens military training.
Bukod sa physical training ng pakikipaglaban ay sasabak din ang mga na-recruit sa mga pagsasanay na may kinalaman sa disasters at emergencies.
Aminado si Padilla, na isang reserve Lt.Col. ng Philippine Army na nawawalan na siya ng pag-asang maisasabatas ang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) dahil dalawang taon na ang lumipas kaya siya na mismo ang gumagawa ng paraan.
Naniniwala ang senador na magiging magandang halimbawa at posibleng maraming mahimok kapag nalaman na marami sa Senado ang mag-re-reservist sa AFP.
Plano rin ng mambabatas na umikot sa buong bansa para gawin ang nasabing inisyatibo.