164 na pagyanig, naitala sa paligid ng Bulkang Taal, ayon sa PHIVOLCS

Umabot sa 164 volcanic earthquakes at 67 tremors ang naitala sa paligid ng Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tumagal ng isa hanggang dalawang minuto ang pagyanig mula sa tatlong hybrid events.

Nakita rin ang pagbuga ng steam-laden plumes na may taas na 20 metro na nagmula sa bunganga ng bulkan habang naglabas din ito ng 605 tonelada ng sulfur dioxide.


Sa ngayon, nakataas pa rin sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal kaya’t hindi pa rin pinapahintulutan ang mga residente na makapasok sa lugar dahil sa posibleng phreatic explosions, minor ash fall at volcanic earthquake.

Facebook Comments