Resulta ito ng kanilang patuloy na kampanya kontra kriminalidad, droga at terorismo sa rehiyon.
Mula sa 165 na nahuli, pitumpu’t walong wanted sa batas kabilang ang tatlong Top Most Wanted Person ang naaresto ng pulisya.
Dalawang (2) tulak naman ng iligal na droga ang naaresto ng mga otoridad at nakumpiskahan ng dalawang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 14,000 pesos.
Nasa apat napu’t siyam na katao naman ang nadakip dahil sa pagsusugal mula sa labing tatlong operasyon.
Isa naman ang nahuli sa kampanya kontra boga, habang nasa 13 baril at dalawang pampasabog ang nakumpiska at narekober ng mga otoridad sa magkakahiwalay na operasyon.
Mula sa 12 operasyon sa iba pang paglabag sa batas, 35 ang naaresto ng pulisya.
Samantala, 11 miyembro ng NPA at 26 na CTG Supporter naman ang sumuko sa pamahalaan sa tulong ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.