Ikinababahala ngayon ng pulisya ang naitatalang bilang ng panggagahasa sa mga kabataan sa probinsya.
Ayon kay PMaj Ria Tacderan, tagapagsalita ng Pangasinan Police Provincial Office, ngayong taon mayroong 165 na kabataan ang biktima ng panggagahasa.
Kadalasan na nangyayari umano ang panggagahasa sa loob mismo ng tahanan kung saan ang suspek ay magulang, kamag-anak at kapitbahay.
Dahil dito, payo ni Tacderan na gabayan ang anak sa paggamit ng social media, iwasang palabasin sa gabi at huwag basta-bastang payagan lalo na kung magkakaroon ng inuman sapagkat ilan sa mga kasong naitala ay nangyayari sa tuwing nakainom na ang mga ito.
Sinabi pa nito na kinakailangang disiplinahin ang mga anak na lalaki na huwag manggahasa.
Ang PANGPPO, ay nagsasagawa ng interbensyon upang maiwasan ang pagtaas ng kaso ng rape sa probinsya gaya na lamang ng house-to-house visitation, pulong-pulong sa mga barangay at paaralan.| ifmnews
Facebook Comments