165 Persons Deprived of Liberty, nabigyan ng parole

Umabot na sa 165 convicted prisoners ang nabigyan ng parole bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan na mapaluwag ang detention facilities sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa ika-12 weekly report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso, nasa 21 Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang inirekomenda sa Department of Justice (DOJ) para sa conditional pardon na walang parole conditions, 24 ang may parole conditions at 46 ang nirekomendahan para sa commutation ng kanilang sentensya.

Kabuuang 454 paroles ang ipinagpaliban habang nakabinbin ang verification nito sa National Bureau of Investigation (NBI).


Una nang sinabi ng pamahalaan na ang sinumang mapapalaya sa pamamagitan ng parole ay kailangang sumailalim sa quarantine bago tuluyang palayain.

Facebook Comments