165 VOTES | Pilipinas, nakasungkit ng pwesto sa UN Human Rights Council

1118

Nakasungkit ng Pwesto ang Pilipinas sa United Nations Human Rights Council sa ginanap na botohan sa New York.

Sa naging mensahe ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa media, nakakuha ang Pilipinas ng 165 votes, mula sa 193-member UN General Assembly.

Nabatid kasi na ang bawat bansa ay kailangan ng hindi bababa sa 97 votes upang mahalal sa naturang council.

Dahil dito, ang Pilipinas ay magsisilbi sa ika-limang termino nito sa UN Human Rights Council o mula 2018 hanggang 2021.

Pinangunahan ni permanent representative at incoming foreign affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., ang Philippine delegation sa UN.

Matatandaan na nauna nang iginiit ng New York-based human rights watch na hindi nararapat na mabigyan ng “seat” sa UN Human Rights Council dahil sa umano ay malaking bilang ng human rights violations sa bansa lalo na sa kasagsagan ng war on drugs ng administrasyong Duterte.

Facebook Comments