165,000 OFWs, nakauwi na sa kanilang mga probinsya – DOLE

Umabot na sa higit 165,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nakauwi sa kani-kanilang mga probinsya.

Sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE), aabot sa 165,223 OFWs ang natulungang makauwi sa kanilang mga home provinces.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, na hindi sila mapapagod na tulungan ang mga OFW na naapektuhan ng pandemya.


Nabatid na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalabas ng karagdagang P5 billion para sa repatriation at assistance sa mga OFW na apektado ng COVID-19 pandemic.

Patuloy rin ang Abot Kaya ang Pagtulong (AKAP) program kung saan binibigyan ang mga pandemic-affected OFW ng one-time P10,000 o $200 cash assistance.

Facebook Comments