166th RANK | UP, pasok sa listahan ng top schools na may emerging economy sa buong mundo

Manila, Philippines – Pasok ang University Of The Philippines (UP) sa listahan ng mga nangungunang Higher Educational Institution sa buong mundo na may emerging economy.

Batay sa latest rankings ng London-Based Time Higher Education (THE), nasa 166th rank ang U.P. mula sa 378 tertiary institutions.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapasok ang U.P. sa upper half ng listahan.


Kahanay ng Pilipinas sa secondary emerging economy ang China, India, Indonesia at Russia.

Ang ranking ay ibinase sa: teaching; research; citation; international outlook at industry income.

Facebook Comments