167 Pinoy repatriates mula Jeddah, dumating sa bansa

Manila, Philippines – Umaabot na ngayon sa halos pitong libong undocumented OFWs mula Saudi Arabia ang nakauwi ng Pilipinas matapos mag-avail ng amnesty program ng Saudi government.

Kaninang pasado alas otso ng umaga, karagdagang 167 Filipino repatriates mula Jeddah ang dumating sa NAIA 1.

Sila ay sinalubong ng mga tauhan ng OWWA at Labor Department kung saan pinabatid din sa kanila ang mga tulong na ipagkakaloob ng gobyerno para sa mga umuwing ofws na wala ng balak bumalik sa ibayong dagat.


Sa ngayon, mahigit walong libo pang undocumented ofws sa Saudi Arabia ang nakalinya para sa repatriation.

Facebook Comments