167 stranded Pinoys sa Cambodia, nakauwi na ng Pilipinas

42

Dumating na kaninang umaga sa bansa ang 167 Filipinos na unang naipit sa Cambodia sa harap ng COVID-19 pandemic.

Ito na ang ikalawang batch ng repatriation sa mga Pilipinong nai-stranded sa Cambodia.


Patuloy naman na tinitipon ng mga Embahada ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa ang mga Pilipinong nais nang umuwi ng Pilipinas sa gitna ng pandemic.

Muli namang pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy sa abroad na nais mapasama sa repatriation na makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na embahada o konsulada ng Pilipinas.

Facebook Comments