16th BIMP-EAGA Summit, pinangunahan ni PBBM sa ikalawang araw ng ASEAN Summit sa Malaysia

Sa ikalawang araw ng ASEAN Summit sa Malaysia, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang ika-16 na Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) Summit.

Ang BIMP-EAGA ay itinatag noong 1994 na layong paunlarin ang mga malalayong lugar at hindi gaanong maunlad na rehiyon ng mga bansang nasa Timog Silangang Asya.

Sa naturang pagpupulong, ibinida ni Pangulong Marcos ang mga naging tagumpay at pag-unlad ng BIMP-EAGA sa nakalipas na walong taon.

Kabilang dito ang mga pinagsamang inisyatiba ng mga bansa sa connectivity, kalakalan at pamumuhunan, seguridad sa pagkain at enerhiya, ecotourism, at green development na malaki ang naitulong para mabawasan ang development gap sa mga sub-region.

Hinakayat din ni Pangulong Marcos ang lahat ng mga bansang kasapi na aktibong makilahok at magmumungkahi ng mga panuntunan at prayoridad para maisulong pa ang layunin ng BIMP-EAGA Summit.

Sa taong ito, ang Pilipinas ang nagsilbing chairman ng naturang summit

Ito rin ang ikalawang pagkakataon na dumalo si Pangulong Marcos sa BIMP-EAGA Summit na huling ginanap noong 2023 sa Indonesia.

Facebook Comments