Bumaba ang antas ng krimen sa bansa.
Base ito sa datos ng Philippine National Police (PNP) Directorate for Investigation and Detective Management’s Crime Research Analysis Center mula April 24, 2023 – July 30, 2023 kung ikukumpara nuong nakalipas na taon sa kaparehong panahon.
Base sa report, ang overall Peace and Order Indicator ay bumaba ng 6.69% o mula sa 55,900 incidents nuong 2022 ay nasa 52,163 recorded crimes na lamang ngayong taon.
Ang Luzon at Mindanao ang nakapagtala ng pagbaba ng crime rate habang ang Visayas ay may pagtaas na 8.42%.
Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., ang patuloy na pagbaba ng antas ng krimen sa bansa ay dahil narin sa pagsusumikap ng Pambansang Pulisya na mapanatili ang kapayapaan maging sa kooperasyon ng publiko.