Umabot na sa 200 aftershocks ang naitala ng Phivolcs matapos ang nangyaring magnitude 5.5 na lindol sa Occidental Mindoro kahapon.
Ayon sa Phivolcs, umabot ng hanggang alas 6:00 ng kagabi ang naramdamang pagyanig sa lupa.
Nakaranas ng pinakamalakas na intensity ang Rizal; San Jose, Occidental Mindoro ganun din sa Calapan Oriental Mindoro.
Wala namang inaasahang pinsala sa ari-arian bunsod ng lindol pero nag-abiso na ang Phivolcs na asahan pa ang pagkakaroon ng mga aftershocks.
Facebook Comments