Naka-pre-position na ngayon sa Villamor Airbase at sa Cebu ang 17 air assets ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sumaklolo sa Bicol Region.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) Director Edgar Posadas, inaantay na lamang bumuti ang panahon bago ito mag-take-off.
Kahit kasi aniya handa na ang mga air asset, hindi pa rin ito makalipad agad-agad dahil kailangan din nilang tiyakin ang kaligtasan ng mga rescuer.
Bukod sa air assets, papunta na ngayon sa Bicol Region ang reinforcement team mula sa Southern Luzon Command, at may dala ring mga equipment na magagamit sa pag-rescue.
Ayon sa OCD, pahirapan pa rin kasi ang pag-rescue dahil mataas pa rin ang tubig baha sa Bicol Region lalo na sa Camarines Sur.
Facebook Comments