Umabot na sa 17 proyekto sa mga paliparan ang natapos sa unang kalahating termino ng administrasyong Duterte.
Sa ngayon 2 bagong airport ang itinayo partikular na ang Lal-Lo International Airport sa Cagayan at Bohol-Panglao International Airport.
Habang mayroon naman 15 paliparan ang nag-upgrade o mas pinalaki upang maraming pasahero ang makinabang.
Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, malaki ang maitutulong ng air connectivity sa paglago ng ekonomiya ng kada rehiyon at bansa.
Dahil dito 28 proyekto pa ang nais nilang magawa bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kabilang dito ang rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA na siyang main gateway ng bansa.
Patuloy din ang pagtatayo ng bagong airport tulad ng New Manila International Airport (NMIA) sa Bulacan kung saan sisimulan na ang bidding sa July 31, 2019.