17 ANYOS NA BINATILYO SA CALASIAO, HALOS ISANG BUWAN NANG NAWAWALA

Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang pamilya de Vera ng Barangay San Miguel Calasiao na makakasama nila ang kanilang anak na si John Lloyd sa araw ng Pasko.

Si John Lloyd halos isang buwan nang nawawala.

Ayon sa kaniyang ina, nakunan umano ng CCTV ang pagtangay sa kaniyang anak sa isang convenience store sa bayan, madaling araw noong 23 ng Nobyembre.

Sa panayam ng IFM Dagupan sa Calasiao Police Station, nang maireport ang tungkol Kay John Lloyd agarang nagsagawa ng aksyon ang himpilan upang matunton ang kinalalagyan ng binatilyo.

Nakipag ugnayan na rin ito sa lahat ng kaibigan ng biktima ngunit wala umanong makapagbigay ng impormasyon na makakatulong sa imbestigasyon.

Sinabi ng pulisya na Maari umanong nagtatago ang binatilyo dahil may mga kaso ng carnapping na sangkot ang ilang mga binatilyo..

Giit naman ng ina ng binatilyo, nadamay lamang ang kaniyang anak.

Samantala, patuloy ang pakikipag ugnayan ng pulisya sa mga kaanak at iba pang indibidwal na makapagturo sa kinaroroonan ni John Lloyd. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments