Monday, March 23, 2026

17-ANYOS NA DALAGITA, ILANG ARAW NANG NAWAWALA SA MANGALDAN

Humihingi ng tulong ang pamilya at kapulisan sa paghahanap sa isang 17-anyos na dalagita na ilang araw nang nawawala matapos umalis sa kanilang bahay noong Marso 15, 2026.

Kinilala ang nawawala na si Jocelyn Mosada Peña, isang Grade 11 student, at residente ng Barangay Amansabina sa nasabing bayan.

Ayon sa kanyang ama, huling nakita ang dalagita bandang alas-5:30 ng hapon nang magpaalam itong magpapaload. Gayunman, hindi na ito nakauwi at wala nang balita mula noon, dahilan upang lubhang mag-alala ang kanyang pamilya.

Sa ngayon, patuloy ang panawagan ng Mangaldan Municipal Police Station sa publiko na makipagtulungan sa pagbibigay ng anumang impormasyon na makatutulong sa pagtukoy sa kinaroroonan ng menor de edad.

Hinihikayat ang sinumang may nalalaman ukol sa kinaroroonan ni Jocelyn na agad makipag-ugnayan sa Mangaldan MPS o direkta sa kanyang pamilya sa numerong 0912-940-2749. Tiniyak ng mga awtoridad na ang lahat ng impormasyong ibibigay ay mananatiling kompidensyal upang matiyak ang ligtas na pagbabalik ng dalagita sa kanyang pamilya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments