17 anyos na Wanted sa Batas, Arestado!

38

*Cauayan City, Isabela-* Huli ang 17 anyos na binatilyo na wanted sa batas matapos na isilbi ang kanyang warrant of arrest ng mga kasapi ng PNP San Manuel at PNP Mallig sa Brgy. Eden, San Manuel, Isabela.

Sa natanggap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), ang akusado na itinago sa pangalang “Jun” na residente ng Barangay San Francisco, San Manuel, Isabela ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7610 o An Act Providing For Stronger Deterrence And Special Protection Against Child Abuse, Exploitation And Discrimination na may kaukulang piyansa na P200,000.00.


Dinala na sa DSWD ang akusado para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments