17 bagong kaso ng Delta variant, naitala ngayong araw

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH), the University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH) ng 17 bagong kaso ng Delta o Indian (B.1.617.2) variant sa bansa.

11 naman ang bagong Alpha o UK (B.1.1.7) variant cases habang 13 ang bagong Beta o South African (B.1.351) variant cases, at 2 ang bagong P.3 variant cases.

Sa bagong Delta variant cases, 12 ang local cases, 1 ang Returning Overseas Filipino (ROF), habang 4 ang hindi pa matukoy kung local o ROF cases.


Sa 12 local cases, 9 ang may address sa National Capital Region (NCR) at 3 sa CALABARZON.

14 sa mga ito ang gumaling na habang 3 ang patuloy pang nagpapagaling.

Bunga nito, umaabot na sa 64 ang kabuuang kaso ng Delta variant sa bansa.

Samantala, umaabot na sa 1,679 ang kabuuang kaso ng Alpha variant sa bansa habang ang total cases ng Beta variant ay 1,840.

Facebook Comments