Sunday, January 18, 2026

17 bahay nasunog sa Cotabato City

Labing pitong mga kabahayan ang tinupok ng apoy kahapon ng umaga sa Barangay Bagua 2, nitong lungsod.
Sa panayam ng DXMY kay Cotabato City-Bureau of Fire Protection Spokesperson FO2 Aldrin Narra, nagsimula ang apoy sa isang apartment na pagmamay-ari ng isang Usman Mapen.
Hanggang sa kasalukuyan ay iniimbestigahan pa nila ang pinagmulan ng apoy, ayon kay FO2 Narra.
Anya pa, bahagyang nahirapan ang mga bumbero na mag-penetrate sa lugar na pinangyarihan ng sunog dahil sa kitid ng daanan kaya ang nangyari ay nagsuplay na lamang ng tubig sa naka-posisyon nang fire truck ang ibang pamatay sunog.
Abot namang sa humigit kumulang P1M ang halaga ng mga ari-arian na tinupok ng apoy.
Subalit sinabi ni FO2 nARRA na maaring madagdagan pa ito sa oras na magsumite na ng kani-kanilang affidavit of loss ang mga pamilyang nasunugan.
Muli namang umaapela sa mamamayan ng lungsod si FO2 Narra na siguraduhing naka-off o kaya ay tanggalin sa saksakan ang mga de-kuryenteng kagamitan kundi naman ay mismong ang plangka ang ibaba kung walang tao na naiiwan sa bahay upang iwas sunog.(Daisy Mangod)

Facebook Comments