17 bayan sa Quezon Province, inilagay sa GCQ dahil sa paglobo ng COVID-19 cases

82

Nasa 17 munisipalidad sa Quezon Province ang isinailalim sa General Community Quarantine (GCQ) mula April 7 hanggang 21 dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Sa anunsyo ng Quezon Provincial Government, inilagay sa mahigpit na lockdown ang mga sumusunod na bayan:


  1. San Antonio
  2. Infanta
  3. Macalelon
  4. Candelaria
  5. General Nakar
  6. Tayabas
  7. Dolores
  8. Sariaya
  9. Lucban
  10. Real
  11. Pagbilao
  12. Tiaong
  13. Guinayangan
  14. Polillo
  15. Mauban
  16. Alabat
  17. Gumaca

Ang iba pang bayan sa Quezon na hindi nabanggit ay mananatili sa modified GCQ.

Facebook Comments