*Cauayan City, Isabela*- Umakyat na sa 17 katao ang sugatan dahil sa paputok sa buong Lambak ng Cagayan ngayong araw.
Batay sa inisyal na datos na ipinalabas ng Epidemiology Bureau ng Department of Health Region 2, 39 percent o hindi bababa sa 11 ang bilang kumpara sa nakaraang taon na umabot sa 28 kaso kaparehong panahon.
Naitala ng ahensya ang bilang ng kaso simula Dec.21 hanggang Enero 1.
Wala namang naitalang insidente ng stray bullet maging mga nasawi simula kahapon.
Sa 17 biktima ng paputok, 9 dito ay mga babae habang ang iba ay kalalakihan na amy edad 4 hanggang 71 taong gulang.
Kaugnay nito, naitala naman sa Santiago City ang may pinakamaraming kaso ng biktima ng paputok habang 7 naman sa Lungsod ng Tuguegarao at 1 sa Probinsya ng Nueva Vizcaya.
Nakaalerto naman lahat ng ospital sa rehiyon para sa mga posibleng mabibiktima ng paputok.