17 Chinese nationals, arestado matapos salakayin ang cybersex den sa Iloilo

Huli ang nasa 17 Chinese nationals matapos salakayin ng mga pulis ang umano’y cybersex den sa Jaro, Iloilo City.

Ayon sa Iloilo City Police, isang buwan nilang minanmanan ang naturang bahay ng mga dayuhan na kalahating taon na nilang inuupahan.

Nasabat sa raid ang 24 set ng computer na naglalaman ng mga litrato ng babaeng nakahubad, 49 na cellphones, sandamakmak na sim card at iba pang kagamitan sa cybersex operations.


Mahaharap sa kasong paglabag sa Cybercrimine Prevention Act of 2012 ang mga naturang suspek.

Facebook Comments