17 HEIs, pumayag na gamitin ang kanilang pasilidad para sa pagbabakuna – CHED

Aabot sa 17 kolehiyo at unibersidad ang pumayag na maging vaccination facilities sa isinasagawang rollout ng pamahalaan kontra COVID-19.

Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Prospero de Vera III, mas maganda kung maraming vaccination facilities para mabilis na matapos ang kampanya laban sa pandemya.

Aniya, karamihan sa labing-pitong kolehiyo at unibersidad na ito ay nasa Metro Manila.


Sinimulan na rin aniya nilang ipamahagi ang draft arrangement sa bawat paaralan para mapag-usapan ang kanilang magiging hakbang na posibleng simulant ngayong Abril o sa Mayo.

Sabi pa ni De Vera, 20 kolehiyo at unibersidad ang naghayag din ng kahandaang maging vaccination facilities.

Facebook Comments