17 hinihinalang miyembro ng isang private armed group, nasa kustodiya ng Antipolo Police Station

Nasa kustodiya na ng Antipolo City Police Station ang 17 indibidwal na sinasabing kabilang sa private armed group matapos na mapatay kahapon ang isa nilang kasamahan sa engkwentro sa pagitan ng mga pulis.

Ayon kay Antipolo City Chief of Police Lieutenant Colonel Joey Arandia, nangyari ang engkwentro malapit sa boundary ng Cupang Antipolo City at San Mateo, Rizal.

Hindi na muna inilabas ang pangalan ng napatay at nasugatan sa nangyaring engkwentro.


Ipinagtataka naman ni Rizal Police Provincial Director Colonel Joseph Arguellesan na may dalawang pulis na kasama ng private armed group na target ng operasyon.

Hindi naman pinapangalanan ang dalawang pulis dahil nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon.

Narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang dalawang shotgun at dalawang pistolang baril.

Facebook Comments