17, huli ng PNP sa pagbebenta ng iligal na paputok online

Umabot na sa 17 indibidwal ang inaresto ng Philippine National Police dahil sa pagbebenta ng mga iligal na paputok online.

Ito ay mula nang ilunsad ng PNP ang “cyber patrolling” sa buong bansa dahil sa pagtaas ng insidente ng krimen sa cyber space partikular ang mga nagbebenta ng mga iligal na produkto online.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, aabot na rin sa higit 2,000 mga iligal na paputok ang kanilang nakumpiska hanggang noong araw ng Pasko.


Dagdag pa ni Fajardo, patuloy na magsasagawa ng random inspection ang PNP sa mga pagawaan ng paputok na nabigyan ng permit upang masigurong sumusunod sila sa guidelines lalo sa pag-iimbak ng mga paputok.

Mahigpit din ang paalala ng pnp sa publiko na bawal ang pagbebenta ng paputok sa harapan ng mga bahay at sa mga lugar na hindi sakop ng firecracker zone.

Facebook Comments