Narekober sa iba’t-ibang bahagi ng Ilocos Region ang kabuuang 17 baril mula sa limang magkakahiwalay na operasyon ng Police Regional Office 1, bilang bahagi ng patuloy na kampanya laban sa pagkalat ng ilegal na armas.
Kasabay ng naturang operasyon na isinagawa mula February 15 hanggang 21, 2026, naaresto rin ang walong indibidwal kaugnay ng iligal na armas.
Lima sa mga baril ang nakumpiska sa mga operasyon ng pulisya, sampu ang boluntaryong isinuko ng mga may-ari, habang dalawa naman ang idineposito para sa safekeeping.
Agad na sinampahan ng kaukulang kaso ang mga naaresto dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Binigyang-diin ng tanggapan na mahalagang hakbang ang pagsasawata ng mga loose firearms upang maiwasan ang karahasan at mapanatili ang kaayusan at seguridad sa mga komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










