Sinimulan na ng Commission on Elections ang preliminary investigation sa 17-kaso ng vote buying at vote-selling nitong May 2022 elections.
Ayon kay acting COMELEC spokesperson John Rex Laudiangco, sa ngayon ay mayroon nang 113 vote-buying at vote-selling concerns na natanggap ang poll body kung saan lahat ng ito aniya ay inaksyunan ng Task Force Kontra Bigay.
Sa 113 na kaso aniya, 17 na aniya dito ang nasa proseso na ng initial investigation makaraang ihain ang verified complaint-affidavit para sa vote buying at selling sa law COMELEC department.
Kasabay nito, hindi naman sinabi ni Laudiangco kung may mga high-profile candidates sa 17 kaso.
Pero aminado ang opisyal na mas mataas ang bilang ng mga natatanggap nilang reklamo ngayon kumpara sa kanilang inaasahan.
Ang vote-buying at vote-selling ay itinuturing na election offense sa ilalim ng Section 261 ng Omnibus Election Code.