17 katao, patay sa pagbagsak ng eroplano sa India

212
Photo Courtesy: BBC.com

Umabot na sa 17 ang patay kabilang ang dalawang piloto habang nasa halos 100 ang sugatan matapos ang pagbagsak ng eroplano sa India.


Sinabi ni Civil Aviation Minister Hardeep Singh Puri, sakay ng Air India Express Flight IX 1344 ang mahigit 190 na pasahero at crew member galing sa Dubai at patungong Calicut, India nang sumadsad at lumagpas sa runway ang eroplano dahilan ng pagkakahati nito sa dalawa.

Aniya, karamihan sa mga sakay ng eroplano ay mga repatriated Indian national mula sa Dubai dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Batay sa inisyal na ulat, itinuturing na dahilan ang ilang araw na patuloy na malakas na pag-ulan kaya nag-overshoot ang nasabing eroplano sa runway ng airpot sa Kerala.

Sa ngayon, nagsasagawa na ang mga otoridad ng imbestigasyon sa nangyaring insidente.

Samantala, nagpaabot na ng dasal at pakikiramay si Indian Prime Minister Narenda Modi sa mga kaanak ng biktima.

Facebook Comments