Ipinababasura ng 17 kongresista ang Executive Order (EO) 128 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-aatas na itaas ang Minimum Access Volume (MAV) at ibaba ang taripa sa imported na karneng baboy.
Binigyang diin sa House Resolution 37 na salig sa Customs Modernization and Tariff Act, may kapangyarihan ang Kongreso na bawiin ang delegated power sa Pangulo para bawasan ang kasalukuyang import duty rates.
Sa ilalim ng EO 128, ang tariff reduction ay ibinaba na sa 15% mula sa 40% out quota at 5% naman mula sa 30% in quota tariff habang itinaas naman ang MAV mula sa 54,000 metric tons sa 404,000 metric tons.
Iginiit ng mga kongresista na talong-talo sa kautusan na ito ang mga lokal na magbababoy sa bansa at ang local hog industry.
Katunayan sa pagpapababa ng taripa ay ₱14 billion ang mawawalang kita ng pamahalan.
Panawagan ng mga mambabatas maghanap ng alternatibo at long term na solution tulad ng repopulation at rehabilitasyon ng hog industry.