17 Libong mga istudyante apektado ng tensyon sa Maguindanao- gyera, baha bumulaga

Abot sa 16,590 na mga mag aaral at 350 na mga guro mula sa ibat ibang eskwelahan sa ilalim ng Maguindanao 1 Division ang naapektuhan ng nangyaring tensyon matapos magkaengkwentro ang mga kasundaluhan at mga armado sa nakalipas na mga araw sa ilang bayan ng ikalawang distrito ng Maguindanao.

Sinasabing ilang araw na ring naisuspende ang pasok sa ilang paaralan dahil sa takot na maipit sa bakbakan habang di pa batid kung kelan manunumbalik ang normal na sitwasyon ayon pa kay Maguindanao 1 Division SDS Bai Mariam Kawit sa panayam ng RMN DXMY.

Kabilang ang Bakat , Pidsandawan at Sapakan Elementary School at Sapakan High School sa bayan ng Rajah Buayan , mga eskwelahan sa Mamasapano North and South District, Bunta Elementary School sa Shariff Aguak, Dapiawan sa Datu Saudi, Pamalian , Pikeg at Pagatin sa Shariff Saidona Mustapha at mga paaralan ng East at South District ng Datu Paglas.


Ikinalungkot rin ng pamunuan ng Maguindanao Schools Division na ito na ang bumulaga sa pag- aaral ng mga estudyante sa pagpasok ng school year 2018-2019. Bukod sa takot na maipit sa gyera, ilang paaralan rin ngayon ang lubog sa tubig baha dahil sa sama ng panahon.

Nanawagan naman si SDS Kawit sa lahat ng mga magulang , mga mag aaral at mga guro na maging kalmado at seguraduhin at kaligtasan ng bawat isa kasabay ng hamon ng mga kalamidad.
FILE PIC

Facebook Comments