17 loose firearms, isinuko sa bayan ng Mother Kabuntalan!

Tumugon ang lokal na pamahalaan ng Mother Kabuntalan sa lalawigan ng Maguindanao sa pamumuno ni Mayor Salaban Diocolano sa Balik-baril Program ng gobyerno.
Ngayong araw, 17 mga matataas na uri ng loose firearms (LFAs) ang isinuko sa militar partikular sa 5th Special Battalion ng Philippine Army sa pamumuno ni Lt. Col. Eros James M. Uri.
Sinabi ni Mayor Diocolano, pauna lamang ito at asahang sa susunod na mga araw ay madadagdagan pa ang bilang ng isinukong LFAs sa kanilang bayan.
Ayon pa kay Mayor Diocolano na naniniwala s’ya na malaking bagay ang naturang programa upang mapanatili ang katahimikan, kaayusan at kapayapaan sa kanilang lugar.
Kung walang mga baril ang mamamayan, malayong magkaroon ng palitan ng putok sa oras ng may hindi pagkakaunawaan, walang gantihang magaganap, walang rido o family feud na mabubuo dagdag pa ng alkalde.

Facebook Comments