Inihayag ng Department of Health (DOH) na siyam sa kabuuang 17 lungsod sa Metro Manila ang may kaso ng Delta variant ng COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kinabibilangan ito ng;
• Malabon (4 kaso)
• Makati (3 kaso)
• San Juan (2 kaso)
• Las Piñas (14 kaso)
• Valenzuela (1 kaso)
• Pasig (6 kaso)
• Mandaluyong (2 kaso)
• Manila (12 kaso)
• Caloocan (4 kaso)
Nananatili naman sa average na 1,535 ang bagong kaso sa National Capital Region (NCR) na naitala mula July 27 hanggang August 2 na maituturing na 65 porsyentong mas mataas nitong nakaraang linggo.
Sa ngayon, nahiwalay na ang Pateros at Malabon sa mga critical-risk areas dahil sa mabilis na pagtaas ng average daily attack rate (ADAR).
Umabot naman sa 86% ang intensive care unit (ICU) utilization rate sa Las Piñas na sinundan ng Muntinlupa na may 72% at Quezon City na may 71%.