
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad ng National Fiber Backbone Phase 2 at Phase 3 na layong maghatid ng mabilis, maaasahan, at abot-kayang internet sa buong bansa.
Ayon kay Pangulong Marcos, mahigit 600 government offices at 17 milyong Pilipino ang makikinabang sa proyekto.
Sabi ng pangulo, sa panahon ngayon, ang access sa internet ay hindi na isang pribilehiyo kundi isang pangunahing pangangailangan dahil ito ang nagpapatakbo sa pag-aaral, trabaho, negosyo, at komunikasyon.
Isinusulong ng National Fiber Backbone ang pagkonekta ng buong Pilipinas, lalo na ang mga malalayong lugar na hanggang ngayon ay wala pa ring access sa internet.
Sakop ng Phase 1 nito ang Ilocos Norte hanggang Quezon City habang ang Phase 2 at 3 naman ay sasaklaw sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.
Target ng pamahalaan na tapusin ang proyekto hanggang 2028.









