
Burado na ang ₱17.7 milyong utang ng isang pinakamatandang Agrarian Reform Beneficiary Organization (ARBOs) sa Jaguimitan, Monkayo, Davao de Oro.
Ito’y matapos na tanggapin ng Ricop Monkayo Farmworkers Agrarian Reform Cooperative (RIMFARCO) ang Certificate of Condonation with Release of Mortgage nito, na nag-aalis ng obligasyon ng kooperatiba sa pagbabayad ng amortisasyon sa lupa.
May 132 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) mula sa RIMFARCO ang makikinabang sa condonation na sumasaklaw sa 278.28 ektarya ng lupaing agrikultural.
Dahil dito, magkakaroon ng mas maraming pondo ang kooperatiba upang mapaunlad ang produksyon nito sa agrikultura.
Sa kasalukuyan, may mahigit 600,000 ARBs sa buong bansa ang makikinabang, na nagsasaka sa may kabuuang mahigit 1.7 milyong ektarya ng lupaing agrikultural ang hindi na pagbabayarin ng amortisasyon, interes, at multa para sa mga lupang ipinagkaloob sa kanila ng Department of Agrarian Reform (DAR).