17 Malaysian nationals, nailigtas ng PNP

Nasagip ng pinagsanib pwersang Philippine National Police (PNP) at Royal Malaysian Police, ang 17 Malaysian nationals na kalunos-lunos ang sinapit mula sa kanilang pinagttrabahuhan sa Klaire One Corp. sa Kawit, Cavite.

Base sa report ng Kawit Municipal Police Station na nakarating sa Kampo Krame, ikinasa ang operasyon kagabi sa pangunguna ng Regional Intelligence Division 4A kasama ang Provincial Intelligence Unit, Cavite Police Provincial Office, at Kawit Municipal Police Station.

Ang mga nailigtas na Malaysian nationals ay una nang humingi ng tulong sa mga awtoridad dahil sa poor working conditions na kanilang sinapit mula sa pinagtatrabahuhang kompanya.


Ang mga na-rescue ay agad itinurn over kay Supt. Norazman Hassan Basari, Police Attache of Malaysian Police para sa pagpapabalik ng mga ito sa kanilang bansa

Samantala, ayon kay PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr., buo ang commitment ng Pambansang Pulisya na pairalin ang karapatang pantao at pangalagaan ang kapakanan ng lahat na nasa Pilipinas anuman ang kanilang nationality.

Facebook Comments