
Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 17 mangingisda matapos na masira ang kanilang sinasakayang fishing vessel sa karagatang sakop ng Bajo de Masinloc.
Ayon sa PCG, nasira ang propeller ng FB Cassandra nang tamaan ito ng isang nakalutang na kahoy.
Agad nagkasa ng rescue operation ang Coast Guard lalo na’t ang naturang bahagi ng karagatan ay nasa loob ng expected drop zone ng rocket launch test ng China.
Kasunod nito, hinatak din ang nasirang barko patungong ligtas na lugar.
Nasa ligtas namang Lagay ang mga nasagip na tripulante.
Facebook Comments









