17 na menor de edad na biktima sa sex trafficking, narescue ng NBI sa Caloocan City

Caloocan City – Nasa 17 menor de edad na biktima ng sex trafficking ang na-rescue ng National Bureau of Investigation sa Caloocan City.

Arestado naman ang dalawang babaeng bugaw na sina Glady Dulot at Cherry Ann Lascano.

Ayon sa NBI, nakatanggap sila ng sumbong na ilang bugaw ang nanghihikayat sa mga kababaihang nasa edad 13-anyos para gawing mga sex worker.


Sinampahan na ang mga suspek ng kasong paglabag sa R.A. 9208 o anti-trafficking in persons act at R.A. 7610 o anti-child abuse law.

Facebook Comments