17 national road sections sa Northern at Southern Luzon, nananatiling sarado matapos ang pagtama ng sunud-sunod na bagyo —DPWH

Kinumpirma ng Department of Public Works and Higways (DPWH) na nananatiling sarado ang 17 national road sections sa Northern at Southern Luzon matapos ang pananalasa ng tatlong bagyo.

Kabilang sa sarado ang ilang national road sections sa Cordillera Administrative Region (CAR), Region 1, Region 3, at Region 4-A.

Ito ay dahil sa pagkasira ng tulay, pagbagsak ng mga puno, pagbaha, at sa bumagsak na kalsada at lupa.

Habang limitado naman ang access ng 31 national road sections sa ilang lugar sa Negros Island Region, Region 1, Region 5, at Region 9.

Facebook Comments