Cauayan City, Isabela- Hindi na maituturing na ‘COVID-19 Free’ ang Calayan island sa Cagayan matapos makapagtala ng labing pito (17) na bagong kaso ng nagpositibo sa coronavirus.
Batay ito sa datos na inilabas ng RHU Camiguin kung saan 17 katao ang kinapitan ng virus base sa resulta ng kanilang RT-PCR test.
Naka-isolate na sa isolation facility ng nasabing bayan ang 17 na mga pasyente.
Kaugnay nito, isinasagawa na ang maigting na contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibo ganun na rin sa nakahalubilo ng kanilang pamilya.
Matatandaan na nagpatupad ng 72-hour o katumbas ng tatlong (3) araw na lockdown ang lokal na pamahalaan ng Calayan na nagsimula noong ika-31 ng Agosto at natapos noong ika-2 ng Setyembre.
Sa kabuuan, mayroon ng 22 na naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang Calayan island simula ng magka pandemya kung saan anim (6) na dito ay nakarekober na.